Skip to main content

Pag-save ng Mga Template ng Kampanya para sa Direktang Liham

Paano Gumawa ng Mga Template ng Kampanya at Mga Folder ng Kampanya para sa Direktang Liham

Dianna avatar
Written by Dianna
Updated over 3 weeks ago

Ano ang Mga Template ng Kampanya?

Ang Mga Template ng Kampanya ay nagbibigay-daan sa iyo na i-save ang napiling postcard, uri ng kampanya, at bilang ng mga padala o batch, sa ganitong paraan, madali mong magagamit muli ang parehong settings para sa mga susunod na kampanya. Nakakatulong ang tampok na ito para makatipid ng oras, manatiling organisado, at mapadali ang proseso ng iyong direct mail.

📌 Tandaan: Ang Mga Template ng Kampanya ay available lamang sa Business Plan.

Hindi ka pa naka-Business Plan? I-click ang Upgrade mula sa iyong Dashboard o sa Settings -> Billing section ng iyong account para magkaroon ng access.

Paglikha ng Mga Template ng Kampanya

Hakbang 1: Bago Magsimula – Gumawa ng Iyong Mail Design

Bago ka makagawa ng campaign template, kailangan mo munang i-setup at i-save ang iyong mail design. Kung hindi mo pa ito nagagawa, tingnan ang aming gabay: Paglikha at Pagpapadala ng Mga Kampanya ng Direktang Liham.

Hakbang 2: Paggawa ng Campaign Template

Magagawa mong mag-save ng campaign template pagkatapos mong simulan at iset ang mga options para sa iyong direct mail campaign.

Para makapagsimula ng campaign, pumunta sa Direct Mail tab at piliin ang Create New Campaign, o mag-filter at pumili ng mga record mula sa Property Records page at piliin ang Send to -> Direct Mail.

Susunod, piliin ang iyong mail design, ilagay o i-confirm ang iyong Return & Contact Info, at piliin kung gusto mong ipadala ito bilang single touch o multi touch, isang bagsakan o pa-batch, at itakda ang iyong send date.

Pagkatapos mong iset up ang campaign, i-click ang Save New sa upper right ng Campaign Setup page para ma-save ang iyong campaign template.

Pangalanan ang template ng kampanya at pumili ng folder kung saan ito ise-save. Lahat ng account ay magkakaroon ng default na folder para sa pag-save. Maaari ka ring gumawa ng mga bagong folder para mas maayos na maorganisa ang iyong mga kampanya.

Paglikha ng Mga Folder ng Template

Para gumawa ng bagong folder para sa iyong campaign templates, i-click ang Load o piliin ang Create New Folder pagkatapos mong piliin na mag-save ng bagong template.


Pangalanan ang folder at i-click ang Create Folder. Lalabas na ngayon ang folder na ito sa drop-down menu kapag nagsa-save ka ng bagong templates.

Paggamit ng Naka-save na Template

Kapag naka-save na ang isang template, magkakaroon ka ng option na i-load ito para magamit sa mga susunod na campaign. Para gamitin ang template, i-click ang Load at piliin ang template na gusto mong gamitin.

Maari ka pa ring gumawa ng mga pagbabago sa campaign kahit na-load mo na ang template.

Pag-edit ng mga Template

Para baguhin ang isang naka-save na template, buksan ito sa pamamagitan ng pag-click sa Load at pagpili ng template na gusto mong i-edit, gumawa ng anumang pagbabago na kailangan, tapos i-click ang disc icon para i-save.

Paglipat sa Mga Folder

Upang ilipat ang bagong template ng kampanya sa isang folder, i-click ang 3 tuldok sa tabi ng kampanya at piliin ang 'Move to Folder.

Pagbura ng mga Kampanya o Folder

Para mag-delete ng campaign template, piliin ang 3 dots sa tabi ng template at i-click ang Delete.
Para mag-delete ng folder, piliin din ang 3 dots sa tabi ng folder at i-click ang Delete.

Pagkatapos piliin ang delete, kailangan mong i-confirm sa pamamagitan ng pag-type o pag-copy-paste ng Delete Forever.

Tandaan: Hindi na mare-recover ang mga template kapag na-delete na.


Kaugnay na Pagsasanay

Did this answer your question?