Laktawan para pumunta sa pangunahing content

Mabagal o may error ang site - mga quick fix

Mga mabilis na paraan kung mabagal o may error ang Talaking site.

Isinulat ni Talaking Customer Service

Minsan mabagal o may error ang site — kadalasan, sa connection o browser lang 'yan at kaya mong ayusin agad. Subukan ang mga ito, isa-isa:

Mga quick fix

  1. I-refresh ang page. Simple pero madalas gumagana.

  2. I-check ang internet mo. Siguraduhing stable ang connection — subukang lumipat mula WiFi papuntang mobile data (o kabaligtaran).

  3. I-clear ang cache at cookies ng browser. Lumang saved data kasi minsan ang dahilan ng error. Pagkatapos mag-clear, login ka ulit.

  4. Subukan ang ibang browser (halimbawa Chrome o Safari) o mag-incognito / private mode.

Yung "Performing security verification" screen

Pag binuksan mo ang site at may lumabas na screen na nagsasabing "Performing security verification" ng ilang segundo — normal lang 'yan. Security check ito para protektahan ang site, hindi error. Hintayin lang, tuloy ka agad sa site.

Kung tuloy pa rin ang problema

I-screenshot ang error at i-message kami sa live chat. Isama mo na rin kung anong device at browser ang gamit mo, at anong ginagawa mo nang lumabas ang error — para mas mabilis namin ma-check. 💬

Nasagot ba nito ang iyong tanong?