Laktawan para pumunta sa pangunahing content

Ligtas ba ang personal data ko?

Paano pinoprotektahan ng Talaking ang personal data mo, at bakit may KYC verification minsan.

Isinulat ni Talaking Customer Service

Oo — sineseryoso namin ang proteksyon ng personal data mo sa Talaking. Narito ang dapat mong malaman, sa simpleng paliwanag.

Paano namin pinoprotektahan ang data mo

Gumagamit kami ng standard security measures para protektado ang account at personal info mo. Kaya nga may Cloudflare "Performing security verification" screen nang ilang segundo kapag binubuksan mo ang site — normal 'yan, hindi error. Parte ito ng security ng site.

Gusto mo ng buong detalye kung anong data ang kinokolekta at paano ito ginagamit? I-message mo lang kami sa live chat at sasagutin ka namin.

Bakit may KYC / verification minsan?

Puwede kaming humingi ng verification (KYC) anumang oras. Hindi ito para i-hassle ka — proteksyon ito laban sa fraud: para masiguro na ikaw talaga ang may-ari ng account at walang ibang gumagamit nito. Mas ligtas ang pera mo kapag verified ang account mo.

Ang parte mo sa security

  1. Huwag ibigay ang password, OTP, at Transaction PIN kahit kanino — kahit sabihin nilang "CS" sila.

  2. Mag-login lang sa official site: https://talaking.com.ph.

  3. Kapag pakiramdam mo may ibang nakakaalam ng password mo, palitan agad ito sa Profile > Change Password.

May tanong pa tungkol sa data o privacy? I-message mo lang kami sa live chat. 💬

Nasagot ba nito ang iyong tanong?