Nakaka-ubos talaga ng oras kapag kailangan mong i-load pa ulit ang mga saved presets mo bawat pag-filter ng records. Kaya inayos namin ang proseso para mas mabilis mong ma-access ang mga paborito mong filters.
Sa bago naming update, ang dating limang steps para mag-filter gamit ang custom filter presets mo ay dalawang steps na lang!
Kung ikaw man ay business owner, lead manager, o cold caller, makakatulong ang update na ito para mas maging maayos at mabilis ang workflows mo.
Hindi ka pa nakakagawa ng marketing filters mo? Tingnan ang mga articles na ito:
Pag-save ng Quick Filters
Kapag gumagawa ka ng bagong custom filter presets, i-click lang ang checkbox para maidagdag ang preset sa Quick Filters.
Para naman idagdag ang existing filter presets mo bilang Quick Filter, pumunta sa records page, buksan ang folder ng preset na gusto mong i-save, at i-click ang star icon sa tabi ng filter.
Makikita mo na ang filter na iyon ay naka-pin na sa itaas ng records page mo. Pwede kang maglagay ng maraming Quick Filters. Bawat team member mo ay puwedeng gumawa ng sarili nilang Quick Filters.
Sa ngayon, walang limit kung ilan ang pwede mong i-save. Kung mas marami ang filters kaysa sa nakikita sa screen, i-click mo lang ang 3 dots para makita ang iba mo pang Quick Filters.
Pag-alis ng Quick Filters
Para alisin ang isang Quick Filter, i-click mo lang ulit ang star icon sa tabi ng filter na gusto mong tanggalin.
Kailangan ng Tulong?
Kung may mga tanong ka tungkol sa account mo o sa mga features, i-click lang ang Talk to Us sa taas ng iyong account para makausap ang aming Support Ninjas.
Kaugnay na Pagsasanay





